Effin’ breakouts

Di na nila ko tinigilan. Nung una, ok pa yung pa-isa isang pag-sulpot. Nung dala-dalawa na, ok pa, kaya pa naman yan ng Panoxyl. Pero nung dumami na talaga sila at yung iba animo’y Queen Bee pa kung umasta, eh wala na, uwian na, hindi na masaya.

Ang hirap kayang humarap sa mga tao na alam mong may mga naka-tambay na pimpol sa magkabilang pisngi mo. Yung tipong hindi mo alam kung saan mag-cconcentrate yung kausap o kaya nama’y kaharap mo.

Kung sa mukha ko o sa mga chismis ng mukha ko.

Ang saklap kayang magkaroon ng ganito, hindi mo alam kung traydor ba toh na mag-iiwan ng souvenir o yung tipong mawawala na lang basta.

Proactiv, halika, ibebefriend na talaga kita. -_-

Feb 17. 0 Notes.