Nakiki-sawsaw

Ngayon nga ay namatay na ang isa sa mga haligi ng industriya ng musika at ito nga ay si Whitney Houston. Nakakalungkot isipin na may ibang tao na maki-sabay lang yung drama, yung tipong “aaaawww I’m so sad patay na yung idol ko”.

Leche ka, bilang RnB and Pop naman yung lagi mong pinapakinggan. Baka nga ni isang kanta nya hindi mo pa alam.

Naging usapan lang kailangan sumawsaw kagad?!

Nakakainis lang kase yung mga tao ngayon, hindi mo alam kung nakikidalamhati sa pangyayari o yung tipong pasikat lang kase nga naman updated sya sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

Ano nga bang point mo nang mag-post ka sa Twitter, Facebook, at Tumblr account mo ng RIP Whitney Houston? Sikat ka na nyan? Mabait ka na nyan? Kalokohan. Ayos na sana yung ipagdasal mo na lang yung namayapang tao. Manood ng balita sa mga latest na pangyayari sakanya at hindi na ipangalandakan sa mga friends at followers mo na isa ka sa mga naunang nakaalam ng kawalan na ito.

Hindi ko gustong punahin ang ginagawa ng ibang tao, ika nga “It’s none of my business”, pero wag naman sanang gawin na para promo at advertisement yung pagkamatay nung tao.

May iba nga, sinisiraan pa yung tao, na kesyo kaya daw namatay si Whitney Houston eh dahil sa pagkakalulong nito sa droge, teka, it’s none of your business na rin naman yung diba?!

May pera sya, kahit anong gawin nya, wala ka ng pakelam. Labas ka na don.

Ako, Oo, nag-post din ako ng shout out tungkol nga sa singer na ito, pero ang pagkakaiba, bukal naman toh sa loob ko, walang halong promo.

Eh ikaw, panay ka lang naman sawsaw.

Feb 12. 0 Notes.