SECOMPLOR
So kakatapos lang namin mag-mini renovate ng kwarto namin ng Kuya ko and yes, until now naghahati parin kami ng Kuya ko sa iisang kwarto.
Wala namang kaso samin yun, tsaka wala rin naman kaming choice. Medyo maliit kase yung bahay namin so ayus na toh.
Sana lang talaga in the next few years ang i-renovate na eh yung mismong bahay namin. Yung tipong lalagyan na ng secomplor.
Ewan ko, parang ang angas lang kase tignan at pagmasdan ang isang bahay pag meron tong secomplor. Tapos yung pagpasok mo may spiral staircase pa, o diba parang simbahan lang?!
Mababaw man kung iisipin pero Oo, eto lang naman yung gusto kong mangyari sa bahay namin eh.
Sige na, maliligo pa ko.
Feb 10. 0 Notes.

