Parameter

Nung una akala ko nahanap ko na ang isang website na wala na kong magiging inhibitions sa pag-ppost ng kung anu-ano at ito nga ang Tumblr.

Nung umpisa ang saya, kahit mga walang katorya toryang text at photo blog ang i-post ko, ayos lang, papasa na, aprub na, wala ng pakelam ang iba.

Pati ang pag-rereblog napagdiskitahan ko rin, kahit ano, reblog ang drama ko, basta makuha nito ang panlasa ko.

Pero ng maamoy at malaman na ito ng iba kong kaibigan at kamag-anak, ay nalintikan na. Wala na ang freedom ko, ninakaw na ang kasiyahan ko. Wala na ang aking privacy, Tumblr ko halos wala ng silbi.

Hindi ko naman sinisisi yung mga kakilala ko na kung bakit sa dami-dami ng social networking sites na pwede nilang gawin eh eto pang Tumblr ang kanilang napili. Ang ayoko lang eh yung magppost ako ng isang photo blog o di kaya naman ay isang text post bibigyan at lalagyan na kagad nila ng issue. Ano? Paparazzi lang ang peg?

Nakaka-inis lang. May Facebook naman, dun naman tayo close eh, dun nyo na lang ako tanungin, kulitin at intrigahin. At kung maaari, itong Tumblr, ibalato nyo na lang sakin.

Please lang.

Feb 09. 0 Notes.